
Sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel ay imahe ng isa sa mga matatagumpay na showbiz couples ngayon. Gayunpaman, aminado rin ang aktor na may pinagseselosan siya tungkol sa kanyang asawa.
Ikinuwento ni Zoren sa exclusive interview ng GMANetwork.com kung paano nila pinapanatili ang kanilang mabuting pagsasama ni Carmina. Aniya, casual lamang sila at priority nila ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.
LOOK: 17 photos that prove Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Mavy, and Cassy are #FamilyGoals
Hindi rin daw niya kailangang magpaalam sa kanyang misis tuwing meron siyang pupuntahan.
Paliwanag niya, “Doon nararamdaman ng lalaki na ‘Para ata akong tali ah. Lahat na lang ng gagawin ko, magpapaalam lagi.' You know, if your husband is a good husband, a good boy, very loyal, he doesn’t need to make paalam. Just let him go, kung mabait.”
“Just be casual about it, parang mag-boyfriend-girlfriend lang kayo dapat eh. Hindi dahil kasal kayo eh ang turing n'yo sa isa’t isa ay napaka-formal na, ‘Asawa kita. Ako rin asawa mo.’ So parang may extra contract na hindi puwede lumabag doon sa contract? No. You have to have fun, whether by yourself or with your wife,” diin din ni Zoren.
Hindi raw sila nagkakaroon ng matagal o mabigat na tampuhan dahil hindi na nila ito pinapalaki tulad na lamang kapag may pinagseselosan siya kay Carmina.
Ani Zoren, “Ako kasi sinabi ko kay Carmina na ayaw kong nakikipag-kissing scene siya. Siyempre as a guy, magseselos ka. Biruin mo may ibang labi ng lalaki sa labi niya. Pero, ginagawa niya. Nagseselos ako sa akin lang but I don’t confront her. Sa akin na ‘yun, kikimkimin ko na lang ‘yun dahil it’s part of her job."
“Ile-let go mo na ‘yun tapos minsan magpaparinig ka na lang, ganun. Pero hindi big deal,” patuloy niya.