
“Nung tinanong sa akin talaga parang hindi ko alam talaga kung ano isasagot ko. Siguro parang ang daming tanong kung kaya ko na ba?” - Betong Sumaya
Mas lalong kapana-panabik ang mga episodes ng pinakabagong Pinoy superhero/sitcom na Tsuperhero tuwing Linggo ng gabi, lalo na at tumitindi ang mga kalaban ng guwapong jeepney driver na si Nonoy.
Bukod sa action-packed ang programa, hindi rin nagpapahuli sa pagbibigay ng good vibes ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya na gumaganap bilang si Julius.
Sa exclusive na interview ng GMANetwork.com kay Betong, tinanong namin ang mahusay na comedian na sa dami ng beses niyang naging supporting role sa telebisyon ay handa na ba ito bumida sa isang project.
Aniya, “Nung tinanong sa akin talaga parang hindi ko alam talaga kung ano isasagot ko. Siguro parang ang daming tanong kung kaya ko na ba?”
“Siyempre 'yun 'yun eh. Kaya ko na ba? May karapatan na ba ako mag-lead? Pero siyempre kung bibigyan ka ng ganung klase na project, siyempre sobrang thankful ka, sobra kang blessed and at the same time kailangan mo talagang maipakita talaga na kaya mo talaga.”
Sabi din ni Betong na kakailagan pa rin niya ng suporta ng buong cast at production team para maging successful ang isang show.
“Siyempre hindi ko naman siyempre magagawa ‘yun mag-isa, lahat naman talaga mayrung susuporta, sana ‘yung mga susuporta talaga na kasama ko dun ay talagang alam mo ‘yun parang magtutulungan kami na mapaganda ‘yung show.”
MORE ON 'TSUPERHERO':
EXCLUSIVE: Alma Moreno believes that Derrick Monasterio is more than just a pretty face
EXCLUSIVE: DerBea, sa sobrang close, memorize na nila ang isa't isa