GMA Logo Ahyan on EXpecially For You
What's on TV

'EXpecially For You' contestant na si Ahyan, umamin na nawasak ang puso dahil sa ex

By Aedrianne Acar
Published May 29, 2024 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ahyan on EXpecially For You


Trending ang 'EXpecially For You' kahapon, May 28, matapos ibahagi ni Ahyan ang naranasang heartbreak.

Maraming naantig ang puso sa ibinahaging kuwento ng "EXpecially For You" contestant na si Ahyan sa episode ng It's Showtime kahapon, May 28.

Tila may hugot ang naging sagot niya sa tanong ng searcher na si Marianne na: "Ano sasabihin mo sa isang babae na wasak ang puso?”

Habang kaharap ang host na si Karylle, malaman ang binitiwan niyang mga salita.

“Last year ganiyan din ako. Tingnan mo nandito pa rin ako dahil sa mga taong naniniwala sa akin na magpagtatagumpayan ko 'yung problemang 'yun,” sabi ng fitness instructor.

Pagpapatuloy niya, “Karylle, normal lang 'yan, dadaan lang 'yan. Kung may galit, kung gusto mo isigaw, isigaw mo. Sasabayan kita.

“Alam kong proseso 'yan, matagal 'yan. Kaya sabayan natin, sasabay ako sa agos ng problema mo hanggang sabay tayo ngingiti.”

Nilapitan nina Vice Ganda, Karylle, at Anne Curtis si Ahyan para yakapin at dito ibinahagi ng Unkabogable star ang naging obserbasyon niya.

Aniya, “We felt that. Nanginginig 'yung boses mo tapos teary-eyed ka. 'Tapos sinabi mo, lalo na dun sa part na I've been there.”

Sunod na tanong ni Meme, “Would you be willing to share or sa ibang episode na lang?”

Umamin ang contestant na nabigo rin siya sa pag-ibig. Malungkot na sinabi niya, “Wasak po. Wasak na wasak. Kala ko kasi 'yun e, alam mo yun. Akala mo…”

Sabat na tanong ni Meme Vice, “Were you engaged?”

Hindi na napigilan ni Ahyan na tumulo ang kaniyang luha nang balikan ang nangyari sa past relationship niya.

Lahad nito, “Planning na ready na 'yung…. may nabili na akong singsing. Tapos, all throughout pala meron palang iba.

“Yun 'yung masakit na ang masakit pa alam din pala nung kapamilya na may iba. Na pumupunta ako sa kanila na may ganun.”

Maayos na naman daw ang lagay niya matapos ang nangyari at kinuha niya na rin ang pagkakataon na pasalamatan ang pamilya at mga kaibigan na dinamayan siya sa matinding pagsubok na pinagdaanan niya.

“Okay naman, kasi sobrang thankful ako sa family ko. Especially sa mga friends ko talaga shout out sa inyo. Alam n'yo na kung sino kayo, kasi ilang beses na nila ako nakitang umiyak.” saad ni Ahyan.

“Kaya, alam din nila na kaya ko, pero, nung last year talaga parang 'yun 'yung laking salamat ko kasi nandiyan sila. Kasi kung wala sila, hindi ko na rin talaga alam.”

Naging hot topic naman sa social media site na X (formerly Twitter) ang kuwento ng love life ni Ahyan at sinapit nitong heartbreak sa dating karelasyon.

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES