
Umamin sa panayam ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang "EXpecially For You" contestant na si Joey na may bad experience siya sa isang babae kaya kasama pa siya sa grupo ng NGSB o 'No Girlfriend Since Birth.'
Taga Caloocan si Joey na isang third year accounting student sa National College of Business and Arts (NCBA).
Bukod sa pag-aaral, nagtatrabaho din siya bilang rider sa isang delivery app.
Bakit kaya NGSB pa ang guwapong binata na si Joey?
Kuwento niya sa It's Showtime host, “One-time po kasi may nililigawan po ako and nalaman ko po na may third party pa po pala.”
“And since then po nag-focus na lang po ako sa work and studies ko. And sa mga hobby ko.”
Sabat ni Meme Vice, “Natrauma ka sa babae?”
Sagot niya, “Opo. Nagkaroon po ako ng trust issues.”
Source: It's Showtime & GMA-7
Tampok bilang EXpecial couple for today (July 25) ang mag-ex partner na sina Anjanette at Wayne.
Sa isang bahagi ng segment, natanong ni Anjanette si Joey kung malulungkot ba siya na pagtungtong niya sa edad na 30 ay wala pa siyang girlfriend.
Pag-amin ng contestant, “At some point malulungkot po, kasi kaming mga lalaki alam naman natin na dumarating 'yung time na na gusto natin maramdaman 'yung pagmamahal ng isang jowa. 'Yung may nagke-care sa 'yo ganun, mahal ka nung taong mahal mo.”
“Masarap 'yun sa pakiramdam and kahit nung bata pa tayo hinahangad natin 'yun. Ngayong 30 na tayo wala pa rin, siyempre hinahanap pa rin natin yung feeling na may jowa.
“And hindi naman sa point na magiging desperado ka para magka-jowa, siyempre malulungkot ka lang talaga. Maiisip mo wala kang jowa, 30 ka na dapat nga engaged ka na 'pag ganun.”
Sa huli, pinili ng searcher na si Anjanette na bigyan ng green flag at maka-date ang heartthrob from Caloocan.
Samantala, ang iba namang searchees na nakalaban ni John para maka-date ang ex ni Wayne ay sina Mark at Seann.
RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES