GMA Logo EXpecial couple na sina Novie and Ivan
Source: It’s Showtime & GMA-7
What's on TV

EXpecially For You: Paano hinarap ni Novie ang confession ng ex na si Ivan na isa siyang gay?

By Aedrianne Acar
Published August 8, 2024 3:36 PM PHT
Updated August 8, 2024 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

EXpecial couple na sina Novie and Ivan


Novie's reaction on Ivan's confession: “Huwag ko siyang iwan kasi dark days niya po.”

Kapupulutan ng aral ang naging episode ng It's Showtime ngayong Huwebes ng hapon, August 8 kung saan nalaman natin ang kuwento ng EXpecial couple na sina Novie at Ivan.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong college sa Adamson University. Dito nabuksan ang mga isip ng mga manonood sa pinagdadaanan na struggle ng isang gay person tulad ni Ivan na hirap noon aminin ang totoo niyang sexuality.

Sa 'EXpecially For You', inilahad ni Novie kung paano niya hinarap ang naging confession noon ng ex-boyfriend.

“Sinabi naman po niya sa akin nung sa second part ng relationship naming 'yung ¾ po nun after three fourths may isang beses po na pauwi po kami, tapos tinitigan ko lang po siya. Tapos tinanong ko po siya na ano, 'may gusto ka bang aminin sa akin?' natatawang kuwento ni Novie.

Pagpapatuloy niya, “Pero at that time po ang intention ko lang is makarinig ng sweet words, kasi words of affirmation girly po ako. Pero dun niya po biglang inamin na at that moment, may internal struggles po siya sa sexuality niya. At that time, hindi ko din po alam kung paano i-handle 'yung ganun kalaking confession.”

Ano ang naging reaksyon niya sa rebelasyon ni Ivan?

Lahad ni Novie sa It's Showtime, “So, ang ginawa ko po at that time, since psych [psychology] major po ako [may nakikita po ako signs] and at the same time mas inuna ko po 'yung welfare niya. Kasi sabi po niya sa akin, at that time na huwag ko siyang iwan kasi dark days niya po.”

EXpecial couple Novie and Ivan

Source: It's Showtime & GMA-7

Matapos ang kuwento ni Novie, ipinaliwanag ni Ivan ang nararamdaman niyang pressure noon bilang galing siya sa isang religious family.

Aniya, “Simula pagkabata ko po talaga pilit kong dinededma 'yung sexuality ko kasi, 'yung family ko religious. Siyempre 'pag bading ka diretso ka na du'n," sabay turo ni Ivan sa sahig.

“Hanggang sa 'yung childhood ko hindi ko nakilala sarili ko, kasi nagtatago ako e. Kailangan ko magtago kasi, kung hindi baka kung ano gawin sa akin nung mga ibang relatives ko, si Papa. Hindi ko alam kung ano gagawin sa akin.”

Inilarawan pa ni Ivan na napakabigat ng pinagdadaanan niya dahil bukod sa itinatago niya noon ang tunay niyang kasarian, may hinaharap din siyang family problem.

“`Yung classmates ko na binu-bully ako everyday, hindi ko alam kung kaya ko bang i-handle 'yun pagka in-acknowledge ko sa sarili ko na bakla ako. So, sobra pong bigat.”

“And then during that time na nag-confess ako sa kaniya meron pang ibang family problem, dysfunctional 'yung family namin, so, kailangan ko ng makakapitan. Sa kaniya ko sinabi, and then that time I also remember na hindi nga gay ang sabi ko sa kaniya, but I told her I was bisexual. Kasi 'yun 'yung mas acceptable”

Sa naging paliwang ni Ivan, sinabi ng award-winning Kapamilya comedienne na si Vice Ganda na mas naiintindihan ng mga tao at It's Showtime viewers ang side nito.

“So ngayon mas naiintindihan namin kung bakit parang hindi malinaw sa'yo kung na-in love ka.”

“Bakit parang hindi malinaw sa'yo kung ano naramdaman mo nung nag-kiss kayo. Ano ang dahilan kung bakit hinahabol mo siya uli. Ngayon, malinaw na.

“Na 'yun 'yung mga pamamaraan mo para proteksyunan ang sarili mo, because you felt like all your life you felt like you were in trouble.”

Dagdag ng Unkabogable Star, “At yan ang nararamdaman ng napakaraming gay or napakaraming miyembro ng LGBTQIA+ community sa lipunan. Napakaraming ganiyan na pinagdadaanan araw-araw. You felt so unsafe.”

Panoorin ang Ang EXpecial coming out love story nina Novie at Ivan dito:

RELATED CONTENT: Celebrities who are proud members of the LGBTQIA+ community