GMA Logo expecially for you
What's on TV

'EXpecially For You' searcher na si Cheng, nagpaluha sa masakit na sinapit ng kanyang ex-BF

By Aedrianne Acar
Published June 27, 2024 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

expecially for you


“Biglang one day, ano po, isang pitik lang po wala na po.”

Marahil marami ang nagtakang It's Showtime viewers nang mag-isang pumasok sa studio ang "EXpecially For You" searcher na si Cheng.

Sino mag-aakala na baon ng dalaga ang makadurog-pusong kuwento nang naiwan siya nag-iisa matapos pumanaw ang boyfriend niyang si Russel isang taon na ang nakakaraan.

Kuwento niya sa It's Showtime, “March 2023 po he passed away po. Normal day lang po namin yung time na yun. Ang weird po kasi ang dami na namin pinagdaanan, ang dami po plano.

"'Tapos, nung dun sa seven years po namin parang wala na kaming problemang masosolsyunan, parang kami na po kasi. 'Tapos, biglang one day ano po isang pitik lang po wala na po.”

Tinanong ni Vice Ganda si Cheng kung ano nangyari kay Russel.

Sagot niya, “Normal day, sa bahay po namin Cavite Day po yun, kaya day off niya po. 'Tapos po, si Russel po kasi mahilig siya magkutkot ng mga kung anu-ano, 'tapos nag-aayos po siya ng bumbilya po. Nung araw po na yun, ang dami-dami niya pong ginagawa kasi mula umaga hanggang gabi. Ayaw niya po magpahinga, kasi po may ginagawa siya sa kuwarto ng kuya ko.

"'Tapos po nung umaga po kasama niya po 'yung friend ko. 'Tapos, sabi po nung friend ko... sumigaw siya, sabi niya: 'Sel, ano nangyayari sa'yo?' gumaganun po sila”

“Tapos 'pag sumisilip po ako tatawanan niya po ako, tinatawanan niya lang ako. 'Tapos di ko siya pinansin kasi parang natutuwa siya na naasar ako. Tapos pangalawa, gumanun na naman sila, hapon na.”

Nakakabigla ang sumunod na pangyayari base sa kuwento ni Cheng dahil nangyari na lang ang ang hindi niya inaasahan.

“Tapos po nung pangalawa po, sabi ko sa kanila, 'Pag 'yan nagkatotoo!' sabi ko ganun po. ''Tigilan n'yo yun,'” paalala niya sa ginagawang prank nina Russel at kaibigan niya.

“[Mga] 8 p.m. po nagulat po ako, nagliligpit po sila, siya na po mismo yung nagsalita sa akin. Sabi niya, 'Aray!' Paglabas ko po nakatayo po siya, pero pagkakita niya po sa akin tumumba na po siya. Tumba lang po."

Habang nagkukuwento si Cheng, makikita na may mga studio audience na sa It's Showtime. Kasunod nito, ay sinabi niya na, ayon sa autopsy ni Russel, nagkaroon ito ng heart attack.

“Pagkaharap ko po iba na po yung kulay niya. Hindi ko ma-explain, kung ano po pakiramdam po pero parang ayoko isipin yung nasa utak ko. Kasi, sino ba naman po ang gusto isipin na wala na yung taong yun. Kasi, po iba na po talaga.

“Hawak-hawak ko po siya, kasi wala pong ambulance nun nasa patrol [vehicle] lang po kami, yung sa Barangay, hawak-hawak ko po siya. 'Tapos, wala po ako alam na CPR o kahit ano. Basta mina-mouth to mouth ko lang po.

“Nagre-respond naman po siya, pero alam ko po. e, feel ko. Pero nung time na yun wala ako ibang masabi sa isip ko kung di sabi ko, 'Sel, mahal na mahal kita.' Paulit-ulit ko po sinasabi sa kaniya, hindi na po ako makapagdasal.”

Sa kasamaang palad, ayon sa ating searcher, idineklarang dead on arrival nang madala ang kaniyang boyfriend sa ospital.

Maiyak-iyak na sinabi ni Cheng sa "EXpecially For You" na nakapanghihinayang na mawala ang isang tao maraming pangarap sa buhay.

Aniya, “Actually, nung nawala siya, hindi po ako nasaktan para sa sarili ko kasi iniwan niya po ako. Nasaktan po ako, kasi, hindi ko po alam kung ano mangyayari sa kaniya. Kung okay lang ba siya dun? Kung gusto niya ba dun?

“Kasi po, marami po siya pangarap hindi lang para sa amin, hindi lang para sa pamilya niya. Sobrang dami po kaya parang sobrang sakit lang isipin na 'yung taong yun gustong-gusto niya mabuhay.”

Nagsalita naman si Vice upang paalalahanan din ang lahat na may dahilan ang Diyos sa mga nangyari sa buhay nina Cheng at Russel.

Paliwanag ng Unkabogable Star, “Para sa ikakapanatag nating lahat lagi nating sinasabi na, kung yan yung plano ni Lord tama yun.”

Dagdag pa niya, “Kung 'yan yung plano ni Lord wala tayong magagawa, kailangan natin tanggapin at may magandang dahilan si Lord kung bakit nangyari yun. We cannot always understand, 'di natin maiintindihan 'di ba kung bakit kinukuha yung ibang mga taong malapit sa atin. Ano bang dahilan, kung bakit sila o kung bakit nung oras pa na yun… We will never know.

Samantala, sabi naman ni Cheng tungkol sa kanyang pumanaw na kasintahan, "“Siya yung pinaka greatest gift na nareceive ko from Lord and feeling ko si Russel po yung iniwan niya sa akin sobra-sobra, kasi po kahit wala siya yung pamilya niya nandoon pa rin. Nandiyan pa rin po para sa akin.”

RELATED CONTENT: How Pinoy celebrities remembered their late loved ones who passed away this year