GMA Logo Chef JR Royol in Farm to Table
What's on TV

Experience sustainable gastronomy in 'Farm to Table'

By Maine Aquino
Published July 5, 2025 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Chef JR Royol in Farm to Table


Abangan sa 'Farm to Table' ang mga ibabahaging recipes ni Chef JR Royol mula sa kanyang restaurant.

Ang lifelong passion ni Chef JR Royol na sustainable gastronomy ang ating masasaksihan ngayong Linggo (July 6) sa Farm to Table.

Tampok sa episode na ito ang pagbabahagi ng kanyang journey at yummy creations mula sa restaurant niyang Anihan sa The Good Farm.

Ang recipes na ibibida ng Kapuso chef sa Linggo ay ang nagpapakita ng sustainable farming practices. Saksihan sa Farm to Table ang kanyang paggawa ng Flame-Grilled Fish at Bibingkang Puti na patok sa Pinoy tastebuds.

Makakasama rin sa Linggo ang Sparkle artist na si Chef Ylyt. Siya ang titikim ng iba pang bestsellers ng Anihan tulad ng Kaldo Ng Hipon, Black Pancit Buko, Cara-Kare (Kare-Kare made with Cara-beef) at Chicken Halang-Halang.

Ipapakita rin ang kitchen raid ni Chef Ylyt sa pantry ng Anihan para gumawa ng kanyang all-original dish gamit ang kanilang fresh ingredients.

Abangan ang food adventure ng Farm to Table sa Anihan ngayong Linggo (July 6), 7:15 p.m. sa GTV

Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'