Panoorin ang funny conversations ni Baby Nate with his Mommy Regine and Daddy Ogie Alcasid.
By ANN CHARMAINE AQUINO
Proud mommy si Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang baby boy na si Nate Alcasid kaya naman marami ang nag-aabang sa kanyang Instagram account ng posts tungkol sa kanyang cute na anak.
Bukod sa kanyang photos, inaabangan din ng followers ang #Natesionary kung saan nagbabanggit ng ilang nakakatuwang salita si Baby Nate. Kasama rin dito ang funny conversations ni Nate with his Mommy Regine and Daddy Ogie Alcasid.