
Mapapanood na mamayang gabi ang extraordinary finale ng GMA Prime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Base sa inilabas na teaser ng GMA Network ngayong Biyernes (June 28), mayroong nakita sina Doy (Raphael Landicho) at Carlos (Gabby Concepcion) sa kalangitan.
Babalik na ba si Grace (Marian Rivera)?
Bukod sa pagtatapos ng My Guardian Alien, nagwagi ang nakaraang episode ng serye dahil nakapagtala ito ng 10.8 percent, ayon sa NUTAM People Ratings.
Huwag palampasin ang extraordinary finale ng My Guardian Alien, 8:50 p.m., GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream. Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.