Article Inside Page
Showbiz News
Ibinalita sa PEP ng mga involved sa
Batanes na babalik sa December 1 si Ken para tumulong sa promotion nito at one week siyang titigil sa Pilipinas.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.

Sa mga na-disappoint na fans ni Ken Zhu dahil hindi nila nakita ang F4 member, na dalawang beses bumalik ng bansa para sa shooting ng
Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan, tiyak na matutuwa sila dahil sa pagbabalik niya ay makikita na siya nang personal at mapapanood pa sa TV. Si
Iza Calzado ang leading lady ni Ken sa pelikula na idinirek ni Adolf Alix.
Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga involved sa pelikula na babalik sa December 1 si Ken para tumulong sa promotion ng Batanes at one week siyang titigil rito.
Sa December 2 ay guest si Ken sa
SOP at sa
Showbiz Central para ikuwento ang experience niya working with Filipino actors and shooting in Batanes. Gandang-ganda ang Taiwanese singer-actor sa nabanggit na lugar at balak niyang bumili ng property para may rason siyang magpabalik-balik doon.

Sa December 3 naman ang fans day ng buong cast ng
Batanes na gagawin sa Trinoma Activity Center sa Quezon City. Sa Trinoma rin gaganapin ang premiere night ng pelikula kinabukasan, December 4, bago ang regular showing nito sa December 5. Kinabukasan, December 6, babalik na sa Taiwan si Ken.
At press time ay wala pang naka-schedule na presscon para kay Ken. Kung saka-sakali, walang magiging communication problem dahil marunong mag-English si Ken. --
PEP (Philippine Entertainment Portal)
What do you expect to see of Ken in this movie? Are you excited to watch this film? Talk about it at the
iGMA forums! And if you're not yet registered, you can
register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso star through
iGMA Live Chat!