
Ang isang inosenteng post ni Alden Richards ang tila nagkaroon ng #hugot nang i-repost ito nina Sam YG at Bae-by Baste.
Isang topless photo ng Pambansang Bae ang kamakailang naging usap-usapan at nagpakilig sa mga netizens. Kasunod nito ay ang paghamon sa kanya ni Bae-by Baste na nagpakita rin ng kanyang version ng abs.
Hindi naman pinalampas ni Sam YG ang pagkakataon. Isinama niya ang kanyang litrato sa mga litrato nina Alden at Bae-by Baste.
Biro niya sa caption, “Nagmahal. Nasaktan. Nagpabaya.”