What's on TV

Face Value, relasyon huhusgahan base sa pisikal na anyo, tampok sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 23, 2020 1:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kayang mga pagsubok ang darating sa relasyon nina Twinkle at RJ?


May kasabihang "Beauty is in the eye of the beholder." Iba-iba nga naman ang tingin at panlasa ng tao pagdating sa kagandahan. Pero paano kung ang taong maganda para sa atin ay huhusgahan at lalaitin ng napakaraming tao? Paano natin sila ipaglalaban? 
 
Ang nagkakasundong personalidad nina RJ (Lucho Ayala) at Twinkle (Divine) ang naging dahilan kaya silang dalawa ay nag-click. Mahalaga ang pisikal na katangian pero  patutunayan ni RJ na hindi ito ang pinaka mahalaga sa lahat. 
 
Si Twinkle naman, batid na siya’y hindi "kagandahan" pero dahil alam niyang siya’y matalino at maraming kakayahan, tinanggap at minahal niya ang kanyang sarili nang buong-buo at hindi naisip kailanman na ang pagkakaron ng gwapong boyfriend pala ang siyang magiging dahilan para siya ay  makaramdam ng insecurity. 
 
Ano kaya ang mga pagsubok na darating sa relasyon nina Twinkle at RJ?  Tampok sina Lucho Ayala at ang ipinakikilalang si 'Divine,' kasama sina Ms. Vangie Labalabn at Arnie Ross, abangan ang naiibang kwentong ito sa 'Karelasyon' ngayong Sabado. 
 
Sa panulat ni Jon Versoza at direksyon ni Zig Dulay, ihahatid na ni Ms. Carla Abellana ang storyang ito ngayong November 14 pagkatapos ng 'Eat Bulaga' sa GMA.