
Nagdiwang ng kanyang 50th birthday kamakailan lang ang celebrity mom na si Ina Raymundo.
Kaugnay nito, ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang highlights ng kanyang intimate birthday celebration, kung saan makikita ang ilan sa kanilang family photos.
Ramdam sa post ni Ina na sobrang naging masaya sa kanyang special day lalo na't kumpleto ang kanyang buong pamilya.
Sa comments section ng post ng celebrity mom, mababasa na bumuhos ang papuri ng at paghanga ng netizens sa facecard umano ni Ina, ng kanyang asawa na si Brian Poturnak, at kanilang mga anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.
Related gallery: #PerfectFamily: The happy family of Ina Raymundo
Narito ang reaksyon ng netizens, fans, at followers sa family photos at good looks ng pamilya ni Ina:
Marami rin ang nakapansin na tila hindi tumatanda ang celebrity mom at nananatili siyang mukhang dalaga.
Samantala, ang '90s sexy star na si Ina at ang Canadian-Ukrainian businessman na si Brian Poturnak ay ikinasal noong 2003.