Article Inside Page
Showbiz News
Narito na ang pangatlong season ng kinasasabikang action-adventure anime na
Fairy Tail.
By MARAH RUIZ

Dahil Bagong Taon, may bago ring hatid ang GMA Astig Authority para sa inyo!
Narito na ang pangatlong season ng kinasasabikang action-adventure anime na
Fairy Tail.
Tuloy pa rin ang mga pakikipagsapalaran ng mga manggagaway na sina Lucy Heartfilia at Natsu Dragneel kasama ang guild nilang
Fairy Tail.
Sa season na ito, aatakihin sila ng guild na Grimoire Heart habang kumukuha ng kanilang S-Class ba pagsusulit sa sa Sirius Island. Ano ba ang balak ng guild na ito? Makaligtas kaya ang ating mga bida?
Samantala, nagbabalik naman ang isang basketball anime na dati nang kinagiliwan ng nakararami, ang
Slam Dunk!
Samahan ulit si Hanamichi Sakuragi sa makulay niyang high school life. Tunghayan muli ang pagbabago niya mula sa pagiging basag-ulo at sa pagpapa-impress niya sa crush niyang si Haruko, hanggang sa pagiging seryosong basketball player.
Panoorin ang Season 3 ng
Fairy Tail, simula January 5, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng
Ghostfighter at pati na rin ang
Slam Dunk, simula January 6, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng
Hunter X Hunter, dito lamang sa GMA.