GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special
What's on TV

Fairytale villains bibida sa grand anniversary special ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published July 8, 2022 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special


Make way for the villains! Ano ang kuwento sa likod ng “Bida Kontrabida” story ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'? Alamin DITO:

Ilang tulog na lang at mapapanood n'yo na ang inihanda ng GMA-7 para sa 5th anniversary special ng award-winning children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Star-studded ang mga bibida sa kuwento na "Bida Kontrabida" na tampok ang ilan sa villains mula sa paborito n'yo na classic fairytales--but with a twist.

Sa report ng 24 Oras, ibinahagi ng First Lady actress na si Cai Cortez na siyang gaganap na Sea Witch sa anniversary episode ang kaniyang excitement na mapanood ito ng kaniyang dalawang anak.

Sabi niya, “Na-excite ako na mero'n silang mapapanood na bagong Daig and lalo pa anniversary special. Nakakataba ang puso at ang gandang experience.”

Sinegundahan naman ito ni Jo Berry, “Puwede sa mga bata. 'Yung mga roles po na ganito na fantasy na magic-magic.”

Napiling gumanap si Jo sa Bida Kontrabida bilang si Rumpelstiltskin.

Daig Kayo Ng Lola Ko 5th anniversary special

Samantala, napa-throwback naman ang TV-host actor na si Andre Paras sa kaniyang kabataan nang malaman niya na siya ang gaganap bilang Big Bad Wolf sa anniversary episode.

Aniya, “'Yung magiging karakter ko e, nung bata ako, 'yung kinakatakutan kong characters sa fairytale.”

Paano iikot ang kuwento ng villains sa "Bida Kontrabida" story ng Daig Kayo Ng Lola Ko?

Paliwanag ng award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto, “Pinipilit namin maging mabait na maging bida. Kasi parang feeling namin parati na lang kaming salbahe.”

Hindi n'yo rin dapat palagpasin ang month-long celebration na ito ng Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil may special appearance ang multi-awarded at highly-respected actress na si Miss Gloria Romero na minahal natin bilang si Lola Goreng.

Sa isang panayam, sinabi ni GMA-7 AVP for Drama na si Miss Ali Nokom-Dedicatoria kung bakit dapat abangan ang anniversary special, “Pero for [the] anniversary series, 'yung mga rare moment na makikita natin si Tita Glo, makikita n'yo for the month of July, so isa 'yun dun sa special ano namin for Daig Kayo Ng Lola Ko anniversary.”

Bawal umabsent sa darating na Linggo ng gabi (July 10) at sama-sama tayong manood ng anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.