
Pagkatapos ng 15 taon, muling nagbabalik ang Asianovela Diva na si Faith Cuneta para kantahin ang official Philippine soundtrack ng latest Korean dramang hatid ng GMA na Misty.
Kaya naman sa panayam ng GMANetwork.com sa singer, inilahad ni Faith na isang “full-circle” ang kanyang pagbabalik sa K-drama scene.
Aniya, “I feel happy and humbled kasi after 15 years who would've thought?
“I mean, nananahimik lang naman ako, tapos may ganyang mga invitations and they want to hear your voice again parang Throwback Thursday, ganon!
“It's full-circle kasi it's 15 years, e.”
Matatandaang si Faith ang kumanta ng mga unang Kapuso K-dramas tulad ng Endless Love, Winter Sonata, Stairway to Heaven, Jumong, at Jewel in the Palace.
Sa gitna ng kanyang success bilang singer, ikinuwento ni Faith na hindi mangyayari ang lahat ng ito kung wala ang kanyang fans.
Wika niya, “Kasi you know what? Itong mga nagdaan na taon, fans would always message me na, 'Ate when are you gonna go back to GMA? When are you gonna sing again? We miss your voice.'
“And I would always tell them to pray about it.
“So, it's an answered prayer for all of us kaya I'm so happy talaga.”
Pakinggan ang kanyang rendition ng “It Must Have Been Love” para sa GMA The Heart of Asia drama na Misty.
Tunghayan ang Misty mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.
'Misty' trends on its premiere night in GMA
IN PHOTOS: Get to know the characters in 'Misty'