
Napakalaki ng pasasalamat ni Faith Cuneta sa mga tagahanga niya lalo na nang lumabas ang kanyang latest single para sa GMA The Heart of Asia K-drama na Misty.
Nang tanungin ng GMANetwork.com kung nabasa na niya ang ilan sa positive comments mula sa music video, ikinagulat ito ni Faith at sinabing hindi siya mahilig magbasa nito dahil sa bashers.
Aniya sa isang video call, “To be honest, minsan ayaw kong mabasa ng comments kasi i-expect mo na na may bashers diyan.
“Pero sa totoo lang, I'm really happy na gano'n pa rin 'yung feeling nila.
“Kasi all these years, ang daming singers na kumakanta ng theme song ng Koreanovelas. And now that I'm back, siyempre, I feel so blessed.”
Ayon pa sa singer, okay lang sa kanya na ibahagi ang “Asianovela Diva” title sa fellow singers niya basta nandiyan ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na tumatangkilik sa kanyang talento.
“I share everything, so wala namang problema [sa akin].
“I'm just happy that I'm back and they [fans] still love my songs, my singing, and my talent.”
Hindi rin napigilan ikuwento ni Faith ang kanyang reaksyon nang marinig muli ang kanyang boses sa telebisyon nang ipalabas ang Pinoy adaptation ng K-drama na Stairway to Heaven.
Maalalang ikinanta ng singer ang theme song nito na “Pag-ibig Ko'y Pansinin” noong 2005, halos 15 taon na ang nakaraan.
“Nung narinig ko, sabi ko, 'Hala! Ang bata ng boses ko!
“Pero tama lang naman, kasi I think mas soulful na 'yung voice ko now kasi 15 years na ang nakaraan.”
Ikinuwento rin niya na ito ang most requested song sa kanya kaya kahit nakapikit siya ay kaya niya itong kantahin ng matuwid at mahusay.
“Even if I sing on weddings, corporate events, they always want me to sing that song kahit hindi bagay sa okasyon.
“So, itong kanta, kahit nakapikit ako, I can sing it. Alam mo 'yung ganon?
“Pero siyempre fini-feel ko pa rin, kasi if not at lumalabas lang siya sa bibig ko, hindi ganoon kaganda.
“Ganun kasi ako, na oo kaya mo nga 'yung high note. Pero 'pag kumakanta ka lang just to sing, hindi ko rin feel... tinatamad ako, parang ganun.”
Faith Cuneta recalls how 'Misty' project came about
'Misty' theme song na 'It Must Have Been Love,' kakantahin ni Faith Cuneta