GMA Logo Faith Da Silva
What's on TV

Faith Da Silva, aminadong malungkot sa nalalapit na finale ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published October 1, 2025 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva


Nakaramdam ng lungkot si Faith Da Silva sa nalalapit na finale at sa pagtatapos ng kanyang journey sa 'Stars on the Floor.'

Sa mga huling linggo ng Stars on the Floor, mas marami pang pasabog na challenges at performances ang dapat abangan. Pero kahit hindi pa nagtatapos ang kompetisyon, aminado si Faith Da Silva na nagsisimula na siyang makaramdam ng lungkot para sa nalalapit na finale.

Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni Faith na “mixed emotions” ito kapag naiisip niya na malapit nang magtapos ang kanyang journey sa naturang programa.

“Mixed emotions talaga na masaya ako kasi ang layo na ng narating namin, kaming lahat dito,” sabi ni Faith.

Gayunpaman, hindi rin naitago ng aktres ang lungkot lalo't masyado na siyang napalapit sa kanyang kapwa dance stars at sa pagkakaibigang nabuo sa dance show.

“'Yung lungkot, mami-miss ko silang lahat, siyempre. As in, kapag naiisip ko, nalulungkot talaga ako kasi alam kong busy ang lahat diba at after this show, most likely mahihirapan kaming pagtagpo tagpuin 'yung mga schedule namin,” paliwanag ng celebrity dance star.

Ngunit, sa kabila ng lahat, baon pa rin ni Faith ang pasasalamat para sa kanyang naging karanasan sa dance competition.

Aniya, “”Yung pasasalamat ko, 'yun ang pinakaunang nararamdaman ko sa lahat kasi we survived everything. Naging mahirap talaga lahat ng mga pinagdaanan namin dito pero 'yung fulfillment na meron ako ngayon, na kaming dalawa [Zeus Collins] ang meron ngayon, hindi siya mapapantayan ng cash prize.”

Ang ka-duo ni Faith ay ang digital dance star na si Zeus Collins. Kilala ang kanilang tambalan bilang Power Twin Towers, na laging umaarangkada dahil sa explosive energy sa dance floor.

Huwag palampasin ang mas nag-iinit pang performances nina Faith at Zeus sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang goddess energy ni Faith Da Silva: