
Aminado ang aktres na si Faith Da Silva na naging close silang dalawa ng beteranong aktor na si Albert Martinez.
Ayon kay Faith maganda ang naging working relationship nilang dalawa ni Albert sa lock-in taping ng Las Hermanas.
"Me and Direk Albert Martinez, we have a very good working relationship," paliwanag ni Faith nang makausap siya ng GMANetwork.com sa ginanap na recording ng 2021 Christmas Station ID ng GMA na "Love Together, Hope Together."
Dagdag pa niya, "Kumportable ako sa kanya, and I hope kumportable rin siya sa akin. Siguro sa tingin ko kaya naiisip nung mga tao na merong something is because nakikita nga nila how close we are, on and off cam.
"Pero kasi, I think, it's normal para sa mga artista to build relationships with your co-actors because paano naman kayo magiging kumportable sa isa't isa? Paano niyo made-deliver nang maayos 'yung istorya kung wala kayong relationship together?
"So, I think doon nanggagaling ['yung chismis]."
Ipinaliwanag din ni Faith na working relationship lang ang meron silang dalawa ni Albert at wala nang iba.
"Pero ako, wala akong ibang masasabi kung hindi gaano ako ka-grateful at ka-happy na nakatrabaho ko si Direk Albert Martinez dahil napakabait niya and he was really there to take care of me and to guide me and to support me."
Sa Las Hermanas, ginagampanan ni Faith si Scarlet, ang bunso sa magkakapatid na Manansala. Magiging karelasyon siya ni Lorenzo, ang karakter ni Albert.
Mapapanood ang Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!
Samantala, kilalanin pa ang ibang love teams na malaking ang age gap sa gallery na ito: