GMA Logo Angel Guardian, Kelvin Miranda, Faith Da Silva in All Out Sundays
Photo by: alloutsundays7 IG
Celebrity Life

Faith Da Silva at Angel Guardian, may birthday wish para kay Kelvin Miranda

By Kristine Kang
Published January 11, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tens of thousands protest in Minneapolis over fatal ICE shooting
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian, Kelvin Miranda, Faith Da Silva in All Out Sundays


Hasne Ivo live, Kelvin Miranda!

Isang nakakakilig na birthday performance ang handog ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kelvin Miranda ngayong Linggo (January 11).

Sa musical-variety show na All-Out Sundays, masayang hinarana ng birthday celebrant ang Kapuso audience sa awiting “Tibok” ni Earl Agustin.

Puno ng kilig vibes ang song number nang sumali ang kanyang co-star na si Angel Guardian. Napatili muli ang fans nang kumanta rin ang Sang'gre Flamarra actress na si Faith Da Silva.

Maliban sa munting harana, sinurpresa rin ng AOS barkada si Kelvin ng isang birthday cake!

"Happy, happy birthday, Kelvin. Ano bang birthday wish mo?" tanong ni Mark Bautista.

"Siguro more movies and blessings to come this year," ani Kelvin.

Hindi rin pinalampas nina Faith at Angel ang pagkakataong magbigay ng birthday messages sa kanilang Sang'gre co-star.

"Napapagod na 'ko maging third wheel sa dalawang ito," biro ni Faith kina Kelvin at Angel.

"Hasne ivo live sa'yo aking albe, Kelvin Miranda. Siyempre sana lahat ng dine-desire ng puso mo ipagkaluob sa'yo ng Panginoong Diyos because you deserve it all."

Mas kinilig ang fans nang si Angel naman ang maghandog ng mensahe, "Lahat ng pangarap mo sana matupad. Siyempre, maraming projects for you this coming year."

Masaya ring nagpasalamat si Kelvin sa kanyang fans na nakisama sa kanyang birthday celebration sa programa. Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa Sparkle GMA Artist Center, GMA Network, kanyang team, mga kaibigan, at pamilya.

A post shared by ALL-OUT SUNDAYS (@alloutsundays7)

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang eksena ni Kelvin Miranda bilang Sang'gre Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, subaybayan ang All-Out Sundays, tuwing Linggo 12 noon sa GMA at Kapuso Livestream.

Silipin ang charming photos ni Kelvin Miranda sa Kapuso Profiles, dito: