
Isang kakaibang love story ang hatid nina Faith Da Silva at Christian Bables sa "My Boyfriend's Romance," ang upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap si Faith bilang Pia, habang si Christan naman ang longtime boyfriend niyang si John Christopher.
Isang araw, may aaminin si John Christopher kay Pia na babago sa kanilang relasyon.
"Baby, I'm gay. In your words, beks," lahad ni John Christopher
Dahil sa tagal ng kanilang pagsamama, tanggap ni Pia si John Christopher. Magiging supportive siya sa bagong buhay ng boyfriend bilang isang recently out gay man.
Pero nang makilala ni John Christopher si Dan Ian, ang karakter ni Carlo San Juan, makakaramdam siya ng selos.
Mapapagtanto ni Pia na mahal pa rin niya si John Christopher at hindi niya ito kayang pakawalan.
Mag-survive pa ba ang relasyon nina Pia at John Christopher?
Abangan 'yan sa "My Boyfriend's Romance" sa January 23, 4:35 pm sa Regal Studio Presents.