
Break muna sa Encantadia sina Sang'gre Flamarra at Sir Soldarius dahil nagsama muli ang dalawa online!
Sa isang latest TikTok post, naghatid ng kilig sina Faith Da Silva at Luis Hontiveros sa kanilang cute dance video.
Tila nasa soft girl era muna ang Kapuso actress habang masayang sumasayaw kasama ang Kapuso actor.
Si Luis naman, hindi maitago ang matamis na titig kay Faith at ang kanyang charming smile.
"Noong panahong di pa kasal si Soldarius 🙃" ani Faith sa caption.
Agad namang pinusuan ng netizens ang TikTok video ng dalawa na may mahigit 480,000 views at 43,000 heart-reactions na.
Habang marami ang kinilig, may ilan naman ang nakapansin sa pag-appear ng dalawa na kaagad biniro ng fans.
"Congrats Pirena☺️magiging ila kna🥰," komento ng isang fan.
"Teka bumabawi si Flammara kay Soldarius haha🤣🤣 SOLMARRA SHIPPERS KAWAY KAWAY😍😍👋👋👋," dagdag ng isa.
@faithdasilva29 Noong panahong di pa kasal si Soldarius 🙃
♬ 오리지널 사운드 - SuGaR
Patuloy mapapanood sina Faith Da Silva at at Luis Hontiveros sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, narito ang mga dapat pang abangan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong linggo: