
Naghatid ng saya ang Stars on the Floor noong Sabado, August 30, sa makukulay na performances ng dance star duos na nagpakitang-gilas sa iba't ibang genre ng pelikula.
Sa naturang episode, kinilala sina Faith Da Silva at Zeus Collins bilang 8th top dance star duo matapos ang kanilang kwelang performance.
Hindi lang sa dance moves bumida ang dalawa dahil nagbigay rin sila ng saya at tawanan dahil sa kanilang pinagsamang genre na comedy at house.
Suot ang matchy na pink na damit at blonde na buhok, todo hataw sina Faith at Zeus sa kanilang White Chicks-inspired na performance.
Nakaharap nila sa dance showdown ang mag-duo na sina VXON Patrick at Kakai Almeda.
Ayon sa dance authorities, nilampaso nina Faith at Zeus ang dance showdown at patuloy itong nagpasaya ng viewers hanggang dulo.
Patuloy na tutukan ang mas nag-iinit pang performances at challenges sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: