GMA Logo  Faith Da Silva and Zeus Collins
Photo source: SOTF
What's on TV

Faith Da Silva at Zeus Collins, nagningning bilang 5th top dance star duo

By Karen Juliane Crucillo
Published August 3, 2025 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

 Faith Da Silva and Zeus Collins


Congratulations, Faith Da Silva at Zeus Collins!

Umapoy ang dance floor sa ika-limang linggo ng Stars on the Floor, at isa sa mga nagpasiklab ay ang mag-duo na sina Faith Da Silva at Zeus Collins.

Nagwagi sina Faith at Zeus bilang 5th top dance star duo dahil sa kanilang nag-aapoy na paso doble performance noong Sabado, August 2.

Ang nakalaban nina Faith at Zeus sa dance showdown ay sina VXON Patrick at JM Yrreverre.

Sa Instagram, inalala ni Zeus ang kaniyang dinanas sa pag-aral ng paso doble at nagbigay rin ito ng appreciation kay Faith.

"Hindi madali ang paso doble, pero sa kabila ng lahat ng hamon, nagawa pa rin namin ito nang maayos dahil ibinigay namin ang aming buong puso at 100 percent ni Faith!" sabi ng digital dance star.

Nagpasalamat din ito sa kanilang coach na si Coach Cheng at sinabing hindi magiging imposible ang kanilang performance kung wala ang "galing at tiyaga" ng kanilang coach.

A post shared by Zeus Collins (@hashtag_zeuscollins)

Noong ikaapat na linggo, sina Patrick at Joshua Decena ang nagwagi bilang 4th top dance star duo dahil sa kanilang emosyonal na interpretative dance performance.

Tutukan ang mas nagiinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG SWAG STYLE NI ZEUS COLLINS: