
Sa AVP pa lang ng Maging Sino Ka Man, nakatanggap na ng sampal si Barbie Forteza mula kay Faith Da Silva.
Si Faith ay gaganap bilang Betty, ang babaeng hahamon sa pag-iibigan nina Carding (David) at Monique (Barbie) sa action-drama series.
Sa AVP, mapapanood na kinaladkad palabas at sinampal ni Betty si Dino, disguise ni Monique, matapos makitang katabi itong matulog ni Carding.
Ayon kay Faith, dati pa lang ay fan na siya ni Barbie.
Sabi niya, "Hindi n'yo po alam kung gaano ako ka-fan ni Barbie Forteza, sa totoo lang.
"No'ng nakaupo po s'ya no'ng nag-start 'yung eksena namin, sabi ko, 'Sino 'yung gwapo na 'yon?' Hindi ko alam si Barbie pala bilang Dino. Makikita mo talaga 'yung essence ng pagiging lalaki, naramdaman ko kaya excited ako sa mga tao na makita nila 'yung ibang Barbie na 'yon."
Ayon pa sa aktres, hanga rin siya sa transfornation ng kasabayan niya sa Sparkle na si David bilang Carding.
Patuloy niya, "At kay David naman, happy ako to work with him kasi isa rin s'ya mga nakasabay kong mag-workshop no'ng nag-start pa lang ako sa GMA and ibang David 'yung nakita ko rito, sa totoo lang guys. Bosesan pa lang, wala na, taob na, kuhang-kuha 'yung boses, 'yung galaw, 'yung tindig, iba talaga. It's something to watch out for for other people and sa fans and supporters ng BarDa."
Samantala, bilang papagitna sa love team ng BarDa, handa na kaya si Faith sa kanyang magiging bashers sa Maging Sino Ka Man?
Sagot niya, "Ako wala akong pake, basta kumikita ako, masaya ako. Hayaan nyo'ng i-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman!"
Paliwanag ni Faith, batayan kung nagagawa niyang mabuti ang kanyang role bilang kontrabida kung may matatanggap siyang pamba-bash.
Dagdag niya, "'Yung pangba-bash naman ng tao, it means na na-a-appreciate nila 'yung galit e, totoo po 'yan. 'Di ba, si Ms. Jean [Garcia], isang napakatanyag na artista and alam ko no'ng una may mga bashers talaga na dumating.
"Pero kami naman po ginagawa lang po namin ang trabaho namin at para matuwa 'yung mga tao at para magalit sila sa karakter ko bilang kontrabida, it means effective kung ano 'yung ginagawa ko kaya I'm very, every grateful sa GMA, sa Sparkle, kay Ms. Joy, at kay Direk Enzo [Williams], hindi n'yo po alam kung gaano kalaking suporta ang binigay n'ya sa 'min lahat kaya ang sarap pumasok sa taping. More to come."
Mapapanood ang Maging Sino Ka Man tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula September 11, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.