What's Hot

Faith Da Silva, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, excited makasama ang pamilya ngayong Pasko

By Kristine Kang
Published December 24, 2025 11:47 AM PHT
Updated December 24, 2025 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva, Gabbi Garcia, Khalil Ramos,


Ano kaya ang Christmas plans nina Faith Da Silva, Gabbi Garcia, at Khalil Ramos? Alamin dito.

Abala na ang karamihan sa kani-kanilang paghahanda at pagdiriwang para sa nalalapit na Pasko.

Kasama sa mga excited para sa holiday season ang ilan sa Kapuso artists. Kabilang dito ang Encantadia Chronicles: Sang'gre stars na sina Faith Da Silva at Gabbi Garcia.

Sa panayam nila kay Athena Imperial, ibinahagi ng Kapuso stars ang kanilang pananabik para sa Christmas celebration ngayong taon.

Ayon kay Faith, handa na ang kanyang munting sorpresa para sa kanyang mga pamangkin at inaanak.

"For the whole year, lahat ng mga barya ko kasi 'di ko ginagastos. Nilalagay ko 'yun lahat sa isang container tapos pupunuin ko 'yun. Tapos 'yung barya ko bente pesos 'yun. Tapos pinapaagaw ko sa kanilang lahat. Usually, ako 'yung nagpapalaro talaga for everyone," kuwento niya.

Samantala, work mode muna si Gabbi ngayong Pasko dahil sa kanyang hosting duties para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Maging ang kanyang real-life partner na si Khalil Ramos ay loyal muna kay Kuya ngayong holiday season.

"Kailangan kami sa Bahay ni Kuya to host. Kasi since it's a reality show, nandoon ang housemates, kailangan syempre present din kami para mahatid sa audience namin kung ano ba nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya," paliwanag ni Gabbi.

Dagdag naman ni Khalil, "Manonood ng PBB. 'Yun 'yung plans ko sa Christmas."

Sa kabila nito, looking forward pa rin sina Gabbi at Khalil na makasama ang kani-kanilang pamilya.

"Sabay-sabay kaming gumagawa ng fruit salad, 'yun 'yung tradition namin as a family. Lagi kasi kami umo-order ng food trays. Pero 'yung fruit salad, 'yun 'yung kaisa-isang bonding namin na we really do it together," ani Gabbi.

"Party games, may videoke din," pahayag naman ni Khalil. "Ako po (nagbibigay ng prize), ako walang choice e. Ako talaga nagbibigay ng prizes."

Maliban sa Pasko, focus din sina Faith at Gabbi sa superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre na mapapanood tuwing weeknights, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.

Panoorin ang 24 Oras interview sa video sa ibaba:

Samantala, kasama rin sina Gabbi at Khalil sa GMANetwork.com Awards bilang Kapuso Couple of the Year

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.

Iboto rin ang Encantadia Chronicles: Sang'gre at iba pang paboritong Kapuso series ngayong taon sa GMANetwork.com Awards!