
Mula pa sa pilot episode, patuloy na tinatangkilik at pinupusuan ng viewers ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Labis ang pasasalamat ng buong cast sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso, lalo na mula sa Encantadiks na walang sawang sumusubaybay gabi-gabi.
Kabilang sa mga nagpapasalamat ay si Faith Da Silva, na agad naging usap-usapan online sa kanyang unang paglabas bilang si Flamarra. Excited na rin daw ang Kapuso star na mapanood ng fans ang mga susunod na pangyayari, lalo na sa kwento ng kanyang karakter.
"Everytime I go out, ilang tanong sa akin ng mga tao 'Ano na bang mangyayari?' Excited na kami na magbuklod-buklod ang apat na mga tagapangalaga ng brilyante," pahayag ni Faith sa panayam ng 24 Oras.
"Pero more than anything, we're so grateful. Sobrang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso natin, ng Encantadiks natin kasi iba talaga ang magic ng Encantadia."
Bukod sa serye, sabik na rin si Faith na personal na makita ang fans sa darating na The Sang'gre Experience.
Gaganapin ito ngayong Linggo (July 20), mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City. Libre ang entrance at maaaring sumali ang lahat sa fun activities.
Makakasama ni Faith ang fellow new-generation Sang'gres na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali. Dadalo rin ang iba pang cast tulad nina Rhian Ramos, Shuvee Etrata, Bianca Manalo, Gabby Eigenmann, Jon Lucas, Kiel at Vito Gueco, at Luis Hontiveros.
"Itong araw na ito, binuo siya ng buong Encantadia para sa Encantadiks natin kasi bibihira lang 'yung tsansa na makasama natin 'yung mga cast. Hindi lang 'yun, makita natin mga kaharian ng Encantadia," ani Faith.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, silipin ang fiery photos ni Faith Da Silva sa gallery na ito: