
Isa sa pinaka-busy na Kapuso star si Faith Da Silva.
Si Faith ay napapanood araw-araw sa TiktoClock, napapanood din siya sa Bubble Gang tuwing linggo. Kaabang-abang din ang pagganap ni Faith bilang Sang'gre Flamarra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
PHOTO SOURCE: @faithdasilva_
Noong February ay ipinakilala si Faith bilang parte ng Sparkle 10.
RELATED GALLERY: Sparkle introduces the powerhouse of beautiful women of Sparkle 10
Sa pagbisita ni Faith sa Kapuso Artistambayan kasama sina Jayson Gainza, Herlene Budol, MC Mateo, at Rdee Asadon, inilahad niya ang pasasalamat sa pagkakaroon ng maraming projects.
Biro ni Faith, "Marami akong bayarin kaya kaya."
Paliwanag ni Faith masaya siya bilang isang Kapuso at Sparkle artist.
"Happy ako sa lahat ng trabahong ginagawa ko."
Ayon pa kay Faith, blessing ang makapagbahagi ng kaniyang talento sa mga manonood.
"It doesn't feel like labor because blessed ako to have my skills, talents, and abilities and makasama kayong lahat."
Panoorin ang TiktoClock stars sa Kapuso Artistambayan dito:
SAMANTALA, KILALANIN SI FAITH DA SILVA RITO: