
Umabot na sa bagong yugto ang kuwento ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Patindi nang patindi ang kadiliman ni Gargan (Tom Rodriguez) na hindi lang panganib sa Encantadia, kundi pati sa mundo ng mga tao.
Kaya naman, labis ang paghahanda ng mga bagong Sang'gre na harapin ang mga masasama at matitindi nilang kalaban. Hinaharap din ng mga Hara ang pag-aayos ng mga kaharian, bago pa sumugod ang Bathala ng Kadiliman.
Sa bagong yugto, mas lalong na-excite ang mga manonood at patuloy na tinatangkilik ang superserye. Dagsa ang positive comments at suporta ng fans online, na sabik nang malaman ang mga susunod na magaganap.
Sa panayam ng GMANetwork.com, labis ang pasasalamat ni Faith Da Silva sa mainit na pagtanggap ng publiko.
"We're so thankful for all the responses naman. Since nagsimula ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, naging maingay na talaga siya. Kalagitnaan until now, same level of energy, love, at mainit pa rin talaga 'yung pagtanggap ng mga manonood sa [superserye]," aniya.
Umpisa pa lang ang excitement dahil marami pa raw dapat abangan sa superserye.
"'Yung daloy ng istorya ng bawat mga karakter e mas makukulayan pa talaga ng mga matitingkad na kulay. 'Yung mga babalik na karakter, 'yun ang dapat n'yong abangan at kung may idadagdag pa ba," tease ng aktres.
Ngayong gabi, malalaman ni Mira (Kate Valdez) ang pagwasak ni Hagorn (John Arcilla) sa ivtre ng kanyang inang si Pirena (Glaiza De Castro). Tila magkakaroon din ng tensyon sa pagitan nina Danaya (Sanya Lopez) at Hara Alena (Gabbi Garcia) nang mapag-usapan si Pirena.
Samantala, sa mundo ng mga tao, patuloy ang paghahanap ng mga Sang'gre sa Bathala ng Kadiliman na si Gargan.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Kabilang naman ang superserye sa nominasyon ng GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.
Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.
Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.
Balikan ang mga dapat abangan sa bagong misyon ng mga Sang'gre sa gallery na ito: