
Aminado ang isa sa mga Sparkle 10 beauties na si Faith Da Silva na hindi naging madali ang paghahanda na ginawa niya at ng mga kasama niya bago ganapin ang photoshoot para sa kanila. Nagbahagi pa ang Encantadia Chornicles: Sang'gre star ng ilang behind-the-scene stories tungkol sa preparation nila.
“Literal na makapigil hininga kasi hindi talaga kami humihinga dun sa picture, hindi talaga,” sabi ni Faith sa interview niya kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras (February 13.)
Ipinakilala kamakailan lang ang Sparkle 10, isang all-women powerhouse ng mga Sparkle stars na self-assured sa kanilang intelligence, sensuality at womanhood.
Kasama ni Faith sa ni-launch na grupo sina Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lianne Valentin, Shuvee Etrata, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Liezel Lopez, Kate Valdez, at Elle Villanueva.
Ayon kay Faith ay matagal nila pinaghandaan at itinago ang involvement nila sa project pinag-usapan nila kung paano paghahandaan ang naganap na photoshoot.
“Nag-uusap-usap kaming lahat kasi talagang hindi kami kumakain. Si Angel Guardian nagdala ng saba, si Lianne Valentin naman, nagdala ng itlog. Ganun talaga, diet food,” sabi niya.
BASAHIN ANG NAGING REAKSYON NG MGA NETIZENS SA SPARKLE 10 SA GALLERY NA ITO:
Ngunit kahit nahirapan ay sulit naman para kay Faith ang lahat ng pinagdaanan nila dahil kita umano sa kanilang photoshoot ang pagiging young, sexy, at empowered nilang sampu.
“Ang sarap ng proseso to be honest, kasi kaming lahat, walang pataasan. Kumbaga, everyone has been very supportive, especially since medyo daring siya for others, specially sa mga ibang kasama namin dito sa Big 10."
Samantala, nang tanungin si Faith kung sino para sa kaniya ang pinaka sexy sa kanilang sampu, confident ang sagot ng aktres, “Fatih Da Silva.”
Nang tanunging siya kung sino bukod sa kaniya, sinagot niyang ang Encantadia Chornicles: Sang'gre co-star niyang si Angel. “Kung sexy ang pag-uusapan, sa body talaga, Angel Guardian 'cause she's very fit.
Panoorin ang interview ni Faith dito: