
Kung dati ay acting skills lang tutok si Faith Da Silva, ngayon ay pokus na na din ito sa paghasa ng kaniyang dancing skills at sa pag-aaral ng iba't ibang dance genre dahil sa Stars on the Floor.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Miyerkules, July 16, inamin ng Sang'gre star na na-challenge ito sa mga dapat aralin na iba ibang dance steps kada linggo.
"Because ako hindi ko naman talaga masasabi na isa akong professional na mananayaw diba pero dahil sa Stars on the Floor, parang pwede ko na 'yan sabihin yata na uy parang dancer na rin ako ah," pag-amin ni Faith.
Sa dance floor, kalaban ni Faith ang kaniyang Ada sa Encantadia Chronicles: Sang'gre na si Glaiza De Castro bilang kasama niya ito sa celebrity dance stars.
"Sa dance floor ko lang siya parang ginaganon [roll eyes] pero in real life naman, suportahan din kaming dalawa," kuwento ng aktres.
Ibinahagi din nito na hindi nila inakala ni Glaiza na mayroon silang talento sa pagsasayaw kaya naman nagpapasalamat ito sa dance show.
"Pero dahil sa Stars on the Floor at sa GMA, naho-hone talaga 'yung abilities namin, 'yung skills namin and puksaan din 'yun. Matinding puksaan din sa dance floor," sabi ni Faith.
Kasama ni Faith at Glaiza sa celebrity dance stars sina Rodjun Cruz, Thea Astley, at VXON Patrick. Ang makaka-partner naman nila na digital dance stars ay sina Zeus Collins, Dasuri Choi, Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kakai Almeda.
Ang una namang naging ka-duo ni Faith ay Joshua. Sa ikalawang linggo, nakapareha naman ni Faith si JM.
Patuloy na panoorin si Faith sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin dito ang celebrity at digital dance stars sa Stars on the Floor: