GMA Logo Faith Da Silva birthday celebration in tiktoclock
photo by: @tiktoclockgma, @virgilmf IG
What's on TV

Faith Da Silva, nagdiwang ng kaarawan sa 'TiktoClock'

By Kristine Kang
Published May 2, 2024 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva birthday celebration in tiktoclock


Masaya at malakasang birthday celebration ni Faith Da Silva ang naganap sa 'TiktoClock.'

Isang espesyal na episode ang naganap sa countdown variety show na TiktoClock dahil birthday ng Sparkle star at isa sa mga host, na si Faith Da Silva.

Umpisa pa lang ng programa, uminit na kaagad ang stage nang naghandog si Faith ng isang pasabog na birthday performance. Maraming nabighani rin sa kaniyang beauty at talento sa pagsayaw at pagkanta.

Pagkatapos ng special opening, puno na kaagad ng katatawanan at sorpresa nang naghanda ang Tiktropa ng birthday surprise para kay Faith. Kaysa sa birthday wishes, pabirong nagbigay ng birthday bashes sina Pokwang, Jayson Gainza, Kuya Kim Atienza, at Herlene Budol.

Naki-birthday din ang mga bagong Sang'gres na sina Kelvin Miranda at Angel Guardian, kung saan nagbigay sila ng mga birthday wishes kay Faith at naglaro ng 'Hale-Hale Hoy.'

Bumisita rin ang kaniyang kambal na si Silas na may dalang birthday cake para sa kaniya. Maliban dito, naghandog din ng birthday wish si Silas para sa birthday girl, kung saan naging emosyonal si Faith.

Sabi niya, "Words are not enough, I love you so much, I'm very very proud of you. You deserve whatever you have right now. Wherever we came from, we've been out of it. We're so far out of that now. I love you and I'm so proud of you. You have no idea. It's only up from here. "

Pagkatapos ng masayang birthday surprises, game na game na umupo sa hot seat si Faith sa 'Sang Tanong, 'Sang Sabog.' Nang nasabugan ang aktres ng dalawang beses, patawang binahagi niya ang kaniyang realisasyon na mahirap pala ang laro.

Habang tumatagal ang birthday party ng aktres sa programa, mas nagiging emosyonal siya dahil sa mga sorpresang inihanda ng Tiktropa.

Pang bawi sa birthday bashes, seryosong nagbigay na rin ang hosts ng kanilang birthday wishes para kay Faith. Sa huli rin ng programa, hinarana siya ng kaniyang idol singer at isa sa judges ng 'Tanghalan ng Kampeon' na si Daryl Ong.

Panoorin ang buong birthday episode ni Faith Da Silva sa TiktoClock, dito: