GMA Logo Faith Da Silva
Image Source: GMA Network (YouTube)
What's on TV

Faith Da Silva, naging emosyonal nang magkuwento tungkol sa amang si Dennis Da Silva

By Dianne Mariano
Published March 3, 2024 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva


Noong December 2023, matatandaan na muling nakita ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang ama niyang si Dennis Da Silva matapos ang mahigit 20 na taon.

Naging emosyonal ang Sang'gre star na si Faith Da Silva nang magkuwento tungkol sa kanyang ama, ang dating aktor na si Dennis Da Silva.

Matatandaan na nagkaroon ng reunion ang Kapuso actress at ang kapatid niyang si Silas sa kanilang tatay noong December 2023 nang bisitahin nila ang huli sa Muntinlupa City Jail.

Sa episode ng Sarap 'Di Ba?, tinanong ni Carmina Villaroel ang aktres kung ano pa ang nais nitong sabihin sa kanyang ama.

“Kung bibigyan kita ng additional time to communicate or to spend time with your dad, ano pang gusto mo sabihin sa kanya?” tanong ng batikang aktres.

Ayon sa Sparkle artist, nais pa niyang mayakap ang kanyang ama.

“Basta I wanted more talaga from it na… because syempre I have been longing for it ng almost two decades. Gusto ko maging thankful for that moment na you know it happened, I'm here, I'm with you, pero mas gusto ko pa siyang yakapin,” ani Faith.

Kwento pa ng 22-year-old star, siya ang nagplano upang makita niya ang kanyang tatay sa presinto.

Aniya, “I have been planning for it naman na, medyo matagal tagal na. Of course, I had to take my time to make sure na sigurado na talaga ako na kapag nagkita kami, maluwag, wala akong negative emotions towards [him]. Walang gano'n.”

Dagdag pa ni Faith, mayroon siyang mga plano sa kanyang isip na gustong mangyari sa pagkikita nila ng kanyang ama ngunit nawala ito dahil naging emosyonal siya nang mayakap ang huli.

“Kumbaga parang dini-direct ko 'yung sarili ko, sa utak ko, sa kung ano'ng gusto kong mangyari. Pero nung nandoon na ako, it felt so different. Parang it was meant to happen talaga, na feeling ko bata ako, feeling ko talaga parang bata ako na Faith na longing for him. And finally when I was able to hug him, doon ako naiyak talaga, doon ako naging emotional kasi parang siyang puzzle na saktong-sakto.

“Binless talaga ako ni God sa tamang panahon. Siguro kasi kung pinaaga ko rin, baka mayroon pa akong questions sa kanya na hindi makakatulong sa pagpapadi-deepen ng relationship naming dalawa,” pagbabahagi niya.

Panoorin ang buong usapan nina Carmina Villaroel at Faith Da Silva sa video sa ibaba.