GMA Logo Faith Da Silva, Zeus Collins
What's on TV

Faith Da Silva, naging emosyonal sa 'no hands' challenge nang maalala ang ama sa kulungan

Published October 15, 2025 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons motorcycle rider who went viral for video call while driving
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva, Zeus Collins


Faith Da Silva sa 'no hands' challenge sa 'Stars on the Floor': “It made me think of my dad.”

Sa October 11 episode ng Stars on the Floor, halos lahat ng dance star duos ay naghatid ng tagos-pusong performances matapos humarap sa iba't ibang obstacles.

Isa na rito si Faith Da Silva, na hindi napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa “no hands” challenge nila ni Zeus Collins.

Sa rehearsal pa lang, napansin ni Zeus na naging tahimik ang kanyang ka-duo na si Faith, na naging emosyonal na pala sa kanilang gagawing routine.

“Hindi ako bibitaw. Naisip ko lang na ang hirap pala kapag ano ka, prisoner ka,” sagot ni Faith nang tanungin ni Zeus kung bibitaw na ba siya sa kanilang performance.

Dagdag pa niya, “It made me think of my dad 'cause my dad has been imprisoned for so long now, ilang years.”

Aminado si Faith na hindi niya kailanman naisip kung ano ang pakiramdam ng makulong. Ngunit nang maranasan niyang mawalan ng kalayaan dahil sa “no hands” challenge, tila sandaling naramdaman niya ang pinagdaanan ng kanyang ama.

“I have never been in a position, wherein maiisip ko kung anong feeling ng ganon. So, pinipigilan ko 'yung sarili ko din to be emotional because baka mawala din ako sa mga sayaw namin ni Zeus, parang ang hirap dahil wala kang laya,” pahayag niya.

Sumang-ayon naman si Zeus sa bigat ng pakiramdam ng parang walang kalayaan.

“Gusto mong gumalaw, gusto mong tumulong sa pamilya mo pero wala, mahirap talaga,” aniya.

Ayon kay Faith, masyadong mabigat ang temang dala ng kanilang performance.

“Masyadong mabigat 'tong kanta na 'to. Nadadala ako,” ikinuwento niya.

Sa naturang episode, sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang nagwaging 14th top dance star duo matapos maghatid ng nakakatayong-balahibong blindfolded performance.

Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Huwag palampasin ang final dance battle ngayong Sabado, October 18!

Samantala, tingnan ang goddess beauty ni Faith Da Silva sa gallery na ito: