
Noong Sabado, September 6, nagpakitang gilas sina Faith Da Silva at Zeus Collins sa kanilang Afro dance performance na sumasalamin sa kultura ng South Africa sa Stars on the Floor.
Sa gitna ng kanilang rehearsal kasama si Coach April Tamon, may nadiskubre si Faith na hindi niya inaasahang malaman habang nasa dance show dahil bigla itong nahirapan tumayo sa kanilang routine.
“Before yata noong rehearsal namin, hindi ko talaga kayang tumayo. Dinala ko 'yung sarili ko sa emergency room,” ikinuwento ni Faith.
Pag-amin ng Sang'gre star, “Because of Stars on the Floor, I figured out na may scoliosis pala ako.”
Samantala, nakaranas din ng sakit si Zeus matapos maipit ang kanyang ugat na nagsimula pa noong episode 3. Sa kanilang liftings, muling naramdaman ng digital dance star ang iniindang sakit.
Inamin ni Zeus na naging challenging din talaga para sa kanya ang Afro dance performance nila ni Faith.
“Talagang dire-diretso 'yung step niya kaya medyo doon ako nahihirapan. Walang hingahan, dire-diretso talaga as in,” sabi ni Zeus.
Ikinuwento ng dalawa na halos dalawang araw lamang nila ni-rehearse ang kanilang dance routine.
Sa September 6 episode, itinanghal sina Thea Astley at Joshua Decena bilang 9th top dance star duo.
Nauna namang nagwagi sina Faith at Zeus bilang 8th top dance star duo noong August 30.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan dito mala-goddess na ganda ni Faith Da Silva: