GMA Logo Faith da Silva, Sam Verzosa
Sources: faithdasilva_ (IG), samverzosa (IG)
What's on TV

Faith Da Silva, nilinaw na magkaibigan lang sila ni Sam Verzosa

By Kristian Eric Javier
Published October 24, 2026 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

From Benguet to Mt. Apo: Philippine coffee seeks a place in Japan's specialty market
Check out these Halloween happenings around the country
Farm to Table: Kulit at food trip!

Article Inside Page


Showbiz News

Faith da Silva, Sam Verzosa


Itinanggi ni Kapuso actress Faith Da Silva na nobyo niya ang Filipino businessman at politician na si Sam Verzosa, at nilinaw na matalik silang magkaibigan.

“Hindi ko siya boyfriend.”

Ito ang mariing paglilinaw ng Red Crown star na si Faith Da Silva sa mga kumakalat na haka-haka tungkol sa umano'y relasyon nila ng Filipino businessman at politician na si Sam Verzosa.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 23, ibinahagi ni Faith na limang taon na silang magkakilala ni Sam at matalik na magkaibigan lamang sila.

“Matagal na kaming magkakilala and because of him, sa totoo lang, ang daming opportunities na nag-open sa 'kin dahil sa knowledge na meron siya. He taught me about manifestations, affirmations, and because of him, parang 'yung pangarap ko sa buhay, mas lumaki. Because nakita ko na walang imposible sa buhay na ito,” sabi ni Faith.

Binigyang-diin ng aktres na malapit sila ni Sam, lalo na ngayong mas nakikilala pa nila ang isa't isa, ngunit hindi pa niya ito nobyo.

Dagdag pa ni Faith, “And we came from the same place. He's also from Manila, ako rin, from Manila, at kung papaano ko siya nakikita na parang lahat ng pangarap mo, hindi mo kailangan mangarap ng maliit lang kasi kahit 'yung mga big things, you can achieve them.”

Nilinaw rin ni Faith ang tungkol sa mga viral photo at video nila ni Sam sa airport kamakailan, at sinabing bahagi sila ng isang group trip noon.

“Sabi ko, hindi pa pala kami nakakalapag ng L.A., kumalat na pala 'yung issue na 'yun, nalaman na kaagad ng lahat. I mean, sabi ko naman, ako, wala naman akong tinatago. Hindi ko naman tinatago, and we were there as a group. It's a group trip,” sabi ng aktres.

Ayon kay Faith, napag-uusapan din nila ni Sam ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa kanila, at natatawa na lamang sila sa mga ito.

Nagsimula ang romance rumors sa pagitan nina Faith at Sam nang makita silang magkasama sa red carpet ng Miss Universe Philippines 2026 coronation night. Nangyari ito matapos pumutok ang balitang hiwalay na ang negosyante at ang Kapuso star na si Rhian Ramos.

Sa June 22 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nauna nang pinabulaanan ni Sam ang pagkaka-link sa kaniya nina Faith at Kyline Alcantara.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CELEBRITIES AT ANG KANILANG POLITICIAN PARTNERS SA GALLERY NA ITO: