
Tuwang-tuwa si Sang'gre actress Faith Da Silva sa mga naglalabasang meme at videos ng naging paghaharap nina Flamarra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, at Lavanea, ang sinaunang Kambal-Diwa ng Brilyante ng Apoy.
Sa kanyang Facebook page, nag-react si Faith sa isang nakatutuwang fan meme kung saan makikitang naka-wheelchair si Flamarra (Faith) habang tulak-tulak siya ni Lavanea (Ina Feleo). Nasa kanilang gilid naman si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) na naka-saklay.
"Pashnea," reaksyon ni Faith.
Maraming netizens ang natuwa sa pagharap ng mag-inang Flamarra at Pirena (Glaiza De Castro) sa sinaunang Kambal-Diwa na si Lavanea para sa kanilang misyon na mapabalik ito sa Brilyante ng Apoy, na tinawag na "puksaan ng tatlong may attitude."
Samantala, ibinahagi rin ni Faith ang kanyang paghanga at pasasalamat kay Ina Feleo na, aniya, pinangarap niyang makatrabaho.
"LAVANEA Ina Feleo, Mahal kita! Salamat dahil isa ka sa mga pangarap kong makatrabaho noon pa lamang. Thank you for your generosity on and off cam! Saya makipagbaliwan sa 'yo," sulat ni Faith.
Abangan tandem nina Faith Da Silva at Ina Feleo bilang Flamarra at Lavanea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NI INA FELEO BILANG LAVANEA SA 'SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: