
Nakasama kamakailan ni Sang'gre actress Faith Da Silva ang OG Sang'gres na sina Diana Zubiri at Iza Calzado, na gumanap na Danaya at Amihan sa Encantadia (2005).
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Faith ang larawan kasama sina Diana at Iza.
Kapwa spotted noong weekend sina Faith at Diana sa selebrasyon ng 8th birthday ng anak ni Rufa Me Quinto na si Alexandria Athena.
Samantala, isa si Faith sa new-gen Sang'gres na bibida sa inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA, gaganap si Faith bilang Sang'gre Flamarra, ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy.
Makakasama ni Faith bilang new-gen Sang'gres sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: