What's Hot

Fall in love with Alden and Louise on September 6

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 27, 2020 6:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig when One True Love’s Alden Richards and Louise de los Reyes drop by GMANetwork.com’s Live Chat studio to chat with their fans on September 6, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m.



Alamin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig when One True Love’s Alden Richards and Louise de los Reyes drop by GMANetwork.com’s Live Chat studio to chat with their fans on September 6, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m.

Patindi ng patindi ang mga kagapan sa top-rating teleserye na ito ng Kapuso Network. Ngayong alam na ni Carlos na si Tisoy ang tunay na anak nila ni Ellen, gagawin nito ang lahat para makabawi sa binatang madalas niyang maliitin at saktan. Kailan kaya siya magiging handa para sabihin kay Tisoy na siya ang ama nito?

Si Ellen naman ay nasa Amerika pa rin para samahan si Elize. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalamang ang inaalagaang dalaga ay hindi naman pala niya kaano-ano?

Ang asawa naman ni Carlos na si Leila ay sumunod sa Amerika para maalagaan din si Elize. Sasabiihin kaya niya kay Ellen ang katotohanang matagal niya itinago?

Patuloy na naninibago si Tisoy sa pakikitungo sa kanya ni Carlos. Hindi lamang siya binigyan ng trabaho sa kumpanya nito, kundi ginawa pa siyang supervisor. Iniligtas din siya ni Carlos sa mga nanakit sa kanya at binigyan pa ng panggastos para sa kanyang sugat at pati na rin para sa mga kailangan nila sa bahay. Makakahalata kaya si Tisoy kung bakit biglang naging mabait ang ama ni Elize sa kanya?

Isang matinding kumplikasyon naman ang kasalukuyang pinagdadaanan ni Elize pagkatapos maoperahan sa utak. Hindi na niya maalala ang lahat ng kakikilala niya bago ang operasyon, kasama sina Leila at Ellen. May pag-asa pa kayang maalala niya si Tisoy?

Para sa mga sagot ng mga katanungang ito, at para malaman ang kahahantungan ng pag-iibigan nina Tisoy at Elize, don’t forget to join Alden and Louise’s live chat this Thursday, September 6, 2012, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. Log on to GMANetwork.com/livechat to take part in this exclusive event.