
Sama-sama tayong muling tumawa, umiyak, at ma-in love sa iconic GMA fantasy rom-com series na False Positive.
Balikan ang hindi malilimutang kwento ng pag-ibig, pamilya, at katatawanan kasama ang tambalan nina Glaiza De Castro at Xian Lim.
Tampok sa serye ang kuwento ng soon-to-be parents na sina Yannie at Edward.
Sa halip na masayang paghahanda para sa kanilang baby, biglang bumaliktad ang kanilang mundo nang mabuntis si Edward dahil sa isang accidental curse.
Ngayong siya na ang nagdadalang-tao, kailangang harapin ni Edward ang mga pagsubok at karanasang dating pinagdaraanan ni Yannie.
Bukod sa nakakatuwang kuwento nito, tampok din sa serye ang star-studded cast na sina Tonton Gutierrez, Alma Concepcion, Ms. Nova Villa, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Dianne Dela Fuente, Luis Hontiveros, at Yvette Sanchez.
Samantala, sina Buboy Villar at Herlene Budol naman ang magdadala ng fantasy at comedy bilang mythical characters na sina Malakas at Maganda.
Paano kaya haharapin nina Yannie at Edward ang kakaibang sitwasyon nila bilang mag-asawa?
Huwag palampasin ang False Positive, ngayong June 1, 4:45 p.m., sa GTV.