
Sweet revenge na maituturing ang powerful performance ng 24-year-old Bulakenya na si Fame Gomez na kumanta ng "What Kind Of Fool Am I" sa 'Round 2: Laban Kung Laban' ng The Clash 2021.
Ito ay dahil dedicated niya ang kanyang performance sa ex-boyfriend niyang hiniwalayan niya matapos kontrahin ang pagsali niya sa kompetisyon.
Ayon kay Fame, hindi siya nakatanggap ng suporta mula sa dating nobyo dahil hindi ito naniniwala na mananalo siya sa kompetisyon.
Bilang frontrunner ng The Clash 2021, hindi napahiya si Fame sa harap ng The Clash panel.
Komento tuloy ni judge Christian Bautista, "Lagi na naming expectation sa 'yo is always a great performance that you would never let us down."
Dagdag pa ng romantic balladeer, maaari siyang magkaroon ng maraming suitors dahil sa kanyang talent.
"Ang masasabi ko lang, 'pag nakita na lahat ng boys ang performance na ito, i-ready mo na 'yung phone mo baka ma-low batt kasi maraming tatawag sa'yo."
Para naman kay Lani Misalucha, ang emosyon ni Fame ang nagpaganda ng kanyang performance.
Sambit ng Asia's Nightingale, "Parang naramdaman ko lahat ng emosyon mo, lahat ng piniga doon sa nangyari sa inyong dalawa."
Ayon naman kay Aiai Delas Alas, nagningning si Fame sa kanyang pag-awit tulad na lamang ng kanyang suot na glittery halter gown.
"Kung gaano ka-shiny ang outfit mo, talagang nag-shine ka tonight. Grabe talagang laban na laban ang dating mo. Ang galing-galing ng performance mo and talagang binigay mo 'yung heart mo sa performance mo," ani ng Comedy Concert Queen.
Panoorin ang buong performance ni Fame dito:
Patuloy na subaybayan ang The Clash 2021 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.
Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.
Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito: