GMA Logo Bisperas movie in I heart movies digital channel
What's on TV

Family drama film na 'Bisperas,' tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published December 2, 2025 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Following Heeseung’s departure, Enhypen writes appreciation message for fans
Mega fuel price hike hits Pangasinan drivers, farmers
Atom Araullo on doing documentaries: "It's a collaboration"

Article Inside Page


Showbiz News

Bisperas movie in I heart movies digital channel


Kabilang ang family drama film na 'Bisperas' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang family drama film tungkol sa Pasko ang tampok sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Napapanahon para sa kapaskuhan ang pelikulang Bisperas, starring Tirso Cruz III, Raquel Villavicencio, Julia Clarete, EA Guzman, at Jennifer Sevilla.

Iikot ang kuwento nito sa isang pamilya na malolooban at mananakawan ang bahay sa bisperas ng Pasko.

Habang tinutukoy nila ang mga gamit na nawawala mula sa kanilang tahanan, maglalabasan ang mga hinanakit at mga sikretong itinatago nila mula sa isa't isa.

Hinirang ito bilang Best Film sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011. Nabingwit din nito ang Best Cinematography at Best Production Design.

Pinarangalan naman si Raquel Villavicencio bilang Best Actress at si Julia Clarete bilang Best Supporting Actress matapos ang kanilang pagganap sa pelikula.

Tunghayan ang Bisperas, December 5, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang Huling Ulan sa Tag-araw na debut film ng Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Gaganap si Ken bilang Luis, isang seminarista na mahuhulog ang loob sa entertainer na si Luisa, karakter naman ni Rita.

Mas pipiliin ba ni Luis ang pag-ibig o ang pagsisilbi sa Panginoon?

Makakasama nina Rita at Ken sa pelikula sina Lotlot de Leon at Richard Yap.

Abangan ang Huling Ulan sa Tag-araw, December 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.