
Mga kuwento ng iba't ibang uri ng pag-ibig ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Masusubukan ang tatag ng pagmamahalan ng isang mag-ina sa family drama film na Will You Marry?
Gaganap dito si K Brosas bilang Honey, single mom na dadayo sa Copenhagen para makilala ang foreigner na naka-match niya sa online dating.
Hindi pabor ang anak niyang si Sweet, played by Elisse Joson, kaya sasama ito kay Honey para makilala ang Danish suitor niya.
Makakahanap ba ng bagong pag-ibig si Honey? Magkakasundo kaya silang mag-ina?
Abangan ang Will You Marry?, January 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag ding palampasin ang Write About Love na pinagbidahan nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.
Kuwento ito ng dalawang screenwriters na kailangan bumuo ng isang love story. Magiging pagsubok ang kanilang collaboration dahil magkaiba sila ng style na dala na rin ng magkaiba nilang mga karanasan at pananaw sa buhay.
Bahagi rin ng pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon.
Ang Write About Love ay isang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Nakapag-uwi ito ng Best Supporting Actor para kay Joem, Best Supporting Actress para kay Yeng, Best Screenplay at Special Jury Prize para sa direktor at writer nitong si Crisanto Aquino.
Tunghayan ang romance drama film na Write About Love, January 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.