
Dalawa sa mga pinagbibidahan na programa ni Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pinarangalan ng Anak TV Seal Awards ngayong 2025.
Ang Anak TV ay nagbibigay parangal sa mga programang angkop sa mga kabataang manonood. Ayon sa anaktv.ph, "These programs have been voted by thousands of parents and professionals as child-friendly and child-sensitive shows recommended for their children and families."
Nitong December 2, ginanap ang 2025 Anak TV Seal Awards sa The Peninsula Manila kung saan nakatanggap ng pagkilala ang mga Kapuso shows.
Ang Family Feud at Amazing Earth ay nakakuha ng Anak TV seal sa 2025 Anak TV Seal Awards.
Ang mga programang Amazing Earth at Family Feud ay kabilang din sa Makabata Awards for Television (Top 10 Favorite Programs). Kabilang din sa mga kinilala ang mga programang Kapuso Mo, Jessica Soho, I-'Witness, 24 Oras, IBilib, AHA! at Daig Kayo Ng Lola Ko.
Pinatunayan din ng GMA ang pagbibigay halaga sa child-friendly television content sa mga nakuhang awards ng iba't ibang mga programa at personalidad.
Congratulations, Family Feud and Amazing Earth!
SAMANTALA, NARITO ANG MGA KAPUSO STARS NA KINILALA SA 2025 ANAK TV SEAL AWARDS: