
Pinarangalan ang Family Feud bilang Best Game Show sa Platinum Stallion National Media Awards 2024.
Ang Kapuso weekday game show ay pinangungunahan ng award-winning actor and host na si Dingdong Dantes.
Ito na ang ikalawang beses na pinangaralan ang Family Feud bilang Best Game Show ng Trinity University of Asia.
Kamakailan, tinanggap din ng Family Feud ang pagkilala bilang Most Outstanding Entertainment Show sa Gawad Lasallianeta.
Sa Facebook, isang pasasalamat ang inihatid ng Family Feud para sa natamong pagkilala.
“Ang Family Feud Philippines ay kinilala bilang 'Best Game Show' sa National Media Awards 2024! Maraming salamat, Trinity University of Asia sa pagkilala at sa ating Kapuso Fam sa walang sawang pagsuporta!” caption sa naturang post.
Samantala, ginawaran din sa Platinum Stallion National Media Awards 2024 ang GMA Network bilang Station of the Year award at Regional TV Network of the Year award naman para sa GMA Regional TV.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.
Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.
Inside link: