
Muling nakatanggap ng pagkilala ang trending weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Nitong Lunes, January 30, binigyan ang programa ng parangal bilang Most Outstanding Entertainment Show sa 5th Gawad Lasallianeta kasama ang iba pang award-winning programs ng GMA Network.
Sa isang video, nagbigay naman ng pasasalamat at mensahe ang game show host na si Dingdong sa ginawang pagkilala sa Family Feud na halos isang taon na ring nagbibigay saya sa maraming mga Kapuso.
“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa La Salle community para sa inyong pagkilala sa Family Feud bilang Most Outstanding Entertainment Show in the 5th Gawad Lasallianeta.
“Kaya sa lahat ng staff, faculty members, at estudyante ng De La Salle Araneta University na sinurvey at pumili sa ating programa, isa lang po ang masasabi namin…....good answer!,” ani Dingdong.
Samantala, tuluy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.
Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: