GMA Logo Family Feud 1000th episode
What's on TV

'Family Feud,' may 1000th episode celebration kasama ang devoted super-fan at beloved group of viewers

By Maine Aquino
Published May 26, 2026 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2026 Palarong Pambansa: Whether gold or bronze, hurdler Angel Villagracia remains gracious with every podium finish
24 Chinese nabbed for alleged illegal employment, immigration violations
Crema de Fruta recipe for a sweet summer reprieve

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud 1000th episode


Maki-celebrate ng heartwarming and laughter-filled 1000th episode ng 'Family Feud' mamayang 5:35 p.m. sa GMA!

Ipagdiriwang ng Family Feud ang kanilang special 1000th episode tampok ang super-fan ng programa at beloved group of viewers.

Ngayong May 26, masasaksihan ng mga manonood ang exciting na tapatan ng Jacla Family at The Golden Gays.


Unang team ang Jacla Family na pinangungunahan ni Elsie A. Jacla. Siya ay ang 53-year-old sari-sari store and egg business owner na proud super-fan ng Family Feud. Sa espesyal na episode na ito, matutupad ang isa sa kanyang mga pangarap na makasali at makapaglaro sa paborito niyang game show kasama ang kanyang pamilya.

Kasama niya ang kanyang mga anak na sina Mavic Jacla, ang estudyante na nakilala sa social media bilang “calling the attention of Sir Dingdong Dantes” girl, at si Cericca Jacla, 27 taong gulang at isang data analyst. Kukumpleto sa kanilang team si Florante Valmores, ang 59-year-old na bayaw ni Elsie na self-employed at kilala bilang singer ng kanilang pamilya.

Makakaharap naman nila ang The Golden Gays, ang beloved group of viewers na napipiling recipients ng donations ng mga dating Family Feud winning teams. Sa pagkakataong ito, sila naman ang bibida bilang mga players.

Binubuo ang grupo nina Lola Monique o Ramon Busa, dating OFW sa Middle East mula Maynila at kasalukuyang Presidente ng Home for the Indigent Gays, Inc.; Lola Amparo o Flor Bien Jr., dating contract worker sa Japan na tubong Cebu; Lola Melon o Alfredo Alipio, isang floor manager sa entertainment bar mula Surigao; at Lola Elizabeth o Rico Medes Reyes, dating police asset at stage performer na mula naman sa Pampanga.

Makisaya sa heartwarming at laughter-filled episode dahil ang spotlight ay ibibigay sa mga manonood na walang sawang sumusuporta sa loob ng maraming taon. Panoorin ang fresh episode ng Family Feud ngayong May 26, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, Kamao, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Lovers of the Red Sky, The Master Cutter, at Taskforce Firewall.