GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

'Family Feud,' pasabog ang fresh episodes at balik sa pamimigay ng limpak-limpak na papremyo

By Maine Aquino
Published January 12, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman on alleged recantation of DPWH engineers: Just noise
Girl beheaded in Bukidnon raped first, police say
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga dapat abangan sa 'Family Feud' simula January 12!

Game na game na ipakita ng Family Feud ang exciting nilang pasabog ngayong 2026.

Simula ngayong January 12, mapapanood na ang fresh episodes ng Family Feud. Para sa unang tapatan ng 2026, mapapanood ang dalawang teams na may humor, heart, and unforgettable moments.

Para sa Team Budol maglalaro ang TiktoClock host na puno ng good vibes na si Herlene Budol. Kasama niya sa Team Budol ang kaniyang Thai-Irish leading man sa Binibining Marikit at rumored boyfriend na si Kevin Dasom. Makakasama din sa Team Budol si Mommy Lhen at ang co-manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Mapapanood din sa Family Feud ngayong Lunes ang former StarStruck host na isa na ngayong mindset coach and hypnotherapist na si Nancy Castiliogne para i-lead ang team na The Slay Tribe.

Makakasama ni Nancy sa Family Feud ang kaniyang kaibigan na si Erika Castro; ang gym rat, wellness guru, at fine jewelry designer na si G Young; at ang makeup artist, beauty enthusiast, entrepreneur, and mother of two na si Nivien Paez.

Exciting na Monday tapatan ang inihanda sa unang fresh episode ng Family Feud ngayong 2026 kaya tutukan ito mamayang 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!