GMA Logo Family Feud Philippines
What's on TV

'Family Feud Philippines,' may 100K followers na sa TikTok

By Jimboy Napoles
Published September 19, 2022 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Philippines


Maraming salamat, mga Kapuso at Ka-TikTok!

Patuloy na pinag-uusapan ang trending family game show ng GMA na Family Feud at patunay rito ang matataas na TV ratings na nakukuha ng programa sa daily episodes.

Bukod dito, panalo rin sa online presence ang naturang game show dahil sa mga viral episodes kasama ang game master na si Dingdong Dantes na kinatutuwaan ng maraming netizens.

Sa katunayan, umabot na sa 103,000 ang followers ng Family Feud Philippines sa TikTok habang nasa halos 700,000 naman ang Facebook followers nito na nagsimula lamang nitong Marso ngayong taon.

Umabot na rin sa 4 million views ang viral video ng Kapuso actor na si Buboy Villar kung saan maraming Kapuso ang naka-relate sa kanyang sabaw na survey answer sa tanong na, "Anong month ang may letter A," na kanyang sinagot ng, "Monday?"

Panoorin sa TikTok video na ito:

@familyfeudph hApPy mOnDaY 🤪 #FamilyFeudPH ♬ original sound - Family Feud Philippines

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa TV, maaaring i-extend ang saya online. Bisitahin lang GMANetwork.com at i-follow ang Family Feud Philippines sa TikTok at Facebook sa username na, @familyfeudph.

KILALANIN NAMAN ANG PINOY TIKTOK STARS NA BIDA NA RIN SA MAINSTREAM SA GALLERY NA ITO: