
Mahigit anim na buwan na ang tinatakbo ng family game show ngayon ng GMA na Family Feud at mas marami pa ang nahu-hook at patuloy na sumusubaybay sa good vibes na game show na ito kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Patunay dito ang mataas na ratings na nakukuha ng naturang programa at trending episodes na laging pinag-uusapan online.
Noong Miyerkules (August 24), tumabo sa 12.4 percent ang ratings ng show na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.
Sa episode na ito ng Family Feud, nanalo ng PhP100,000 ang courtside reporters o team Courtside Cuties laban sa team CSB Lady Blazers.
Panoorin ang kanilang intense na tapatan sa video na ito:
Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.
Patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays 5:40 p.m. sa GMA!
BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGBISITA NI KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: